Venus Raj and Binibining Pilipinas Charities, Inc. sign up with ABS-CBN
Opisyal nang Kapamilya ang 2010 Miss Universe 4th runner-up na si Venus Raj.
Pumirma na ng kontrata ang beauty queen sa ABS-CBN kaninang hapon, January 14.
Kasabay ng pagpirma ni Venus ang pagpirma rin ng five-year partnership deal ng nagma-manage sa kanya, ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI), sa Kapamilya network.
Matapos magpirmahan ng mga kontrata, nauna nang nagsalita at nag-welcome kina Venus at BPCI ang presidente at COO ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio.
"On behalf of ABS-CBN Corporation, we would like to welcome back, I think after 13 years, Cory?" baling ni Ms. Santos-Concio sa nasa presidential table din at kasama sa signatories sa mga kontrata na si Cory Vidanes, ABS-CBN Channel Head. "...Binibining Pilipinas Charities, Incoporated to ABS-CBN.
"We're all very excited here, alam n'yo naman ang mga Pilipino, we have beauty and we are pageant-crazy people.
"And Binibining Pilipinas Charities has been the home to a lot of women who have become role models for our Filipinas. Just like Venus Raj here, who is a picture of courage and humility.
"And we're looking forward to many years of working together and we hope that this will be a great partnership. Thank you very much," pahayag pa ni Ma'am Charo, na isa ring dating beauty queen (Miss Calapan at Baron Travel Girl 1976) bago naging artista.
Sa panig ng ABS-CBN, bukod kina Ma'am Charo at Ms. Cory, ay kasama rin sa pirmahan ng kontrata si Linggit Tan, head of TV entertainment production.
Sa panig naman ng BPCI, bukod kay Venus, kasama rin sa pirmahan ang BPCI Chairperson na si Ms. Stella Marquez-Araneta, executive board members Conchitina Bernardo at Pitoy Moreno, at director for marketing Sienna Olaso.
Nagpasalamat naman si Madam Stella sa magandang binitawang salita ni Ms. Charo tungkol sa BPCI.
Aniya, "I still believe that what you say is true. We have been [the] most prestigious contest in the land, we are now in partnership, as of today, with the most prestigious, the best channel station in the land."
BPCI GOING GLOBAL. Inaasahan din daw ni Madam Stella na sa pakikipag-partner nila sa Kapamilya network ay maraming pagbabago sa magiging presentasyon ng Binibining Pilipinas ngayong 2011.
"We are with a TV station which not only reaches the Filipino people in [the] Philippines, but the Filipinos all over the world," sabi niya.
Naniniwala ang pinakaunang Miss International (na napanalunan niya noong 1960 sa Long Beach, California) at maybahay ni Don Jorge Araneta, na malaki ang magagawa ng ABS-CBN para mas makilala pa worldwide ang Binibining Pilipinas.
THANKING GMA-7. Nagpasalamat din si Ms. Marquez-Araneta sa dating TV station na ka-partner nito, ang GMA-7, sa mga naging tulong nito sa Binibining Pilipinas.
"We are grateful and we had a very good relation with them. But we'd like to point that, yes, we want those changes and that's why we are here," sabi ni Ms. Stella.
VENUS'S MOTHER IS HAPPY, TOO. Natutuwa rin si Venus sa pagpirma niya sa ABS-CBN at nagpahayag ng excitement sa mga puwedeng mangyari sa kanya sa Kapamilya network.
"Sobrang saya po. Sabi ko nga po kagabi, nagagalit ang nanay ko. Gusto niya po talaga sa ABS-CBN ako," ani Venus.
Hindi raw kasi siya mapanood ng nanay niya kapag nasa probinsiya ito (sa Bato, Camarines Sur).
Rommel R. Llanes
Friday, January 14, 2011
http://www.pep.ph/news/27902/Venus-R...p-with-ABS-CBN
source: (Thank you and credits to
DongYano:
http://www.pinoyexchange.com/
and all sources for the information and pictures)